Hindi niya maiwasang maalala ang naging halikan nila ng boss sa panunudyo ng kanyang kapatid, dahilan upang matigilan siya at hawakan ang kanyang mga labi na kanina ay angkin ng lalaking usapan nila ng kapatid. "'Oy si Ate, kinikilig," untag ng kapatid, mabilis niya itong sinuway. "Magtigil ka nga, kay bata-bata mo pa! Atupagin mo pag-aaral mo para naman matulungan mo na ako, ah?" mabilis niyang bara sa panunudyo ng kapatid. "Oo naman, Ate, huwag po kayong mag-alala dahil sa magtatapos po ako. Makakapunta na rin po ako diyan sa Manila par may kasama ka," anito. "Gusto mong pumunta rito?" maang na ulit sa sinabi ng kapatid. "Oo, Ate, gusto ko diyan din makahanap ng trabaho para naman hindi ka na nag-iisa diyan?" masayang turan ng kapatid. "Tsaka, pangarap ko talagang makapunta rin diya