Kita sa mukha ng kasintahang si Catherine ang determinasyon, ngunit isipin pa lamang ni Frank na ito ang makasama habang buhay ay parang nawawalan na siya ng pag-asa. Dumating din naman siya sa puntong gusto na itong pakasalan lalo pa at masyado siyang naiinis sa ginagawang panghihimasok ng kanyang mama sa mga naging relasyon nilang magkapatid noon. "Hindi ako makakapayag na walang ama ang magiging anak ko!" inis na turan nito saka naglakad patungo sa pintuan. "Tandaan ko ito, Frank, kapag napatunayan kong anak mo ito, wala kang magagawa kundi ang pakasalan ako!" pinal na saad nito saka ibinukas ang kanyang pintuan. Naiiling na napahawak ng baba si Frank sa sinabing iyon ng kasintahan. Kita niya sa mukha nito ang kagustuhan nitong mabigyan ng kompletong pamilya ang anak, kahit na sino n