Rechel POV
Wala sa sarili na patakbo akong nakasunod sa mga lalaking mabilis at halos patakbo rin na lumabas ng silid na pinag-kulungan sa akin. Naiwan doon si Laura at mga tauhan nito na hindi ko alam kung mga patay na ba itong lahat o may naiwan pang buhay dahil wala ang ni isa sa mga dumating ang sumuri sa mga ito.
Malakas na sigaw ang narinig ko mula sa isang lalaki na kasama namin na nag-uutos na lumabas ang lahat at may mga bomba na naka-set at may limang minuto na lamang kaming natitira para iligtas ang mga sarili.
Sa narinig mas binilisan pa ng lahat ang pagtakbo pababa sa hagdan. Nakita ko ang kaibigan ni Daniel na kausap nito kagabi bago ako umalis ng bahay nito. Ito ang tumulong para mailigtas kami ni Daniel ng makipagsabayan ito ng barilan at tumakbo sa labas kahit na sugatan para tumawag ng tulong na mailabas si Daniel.
Alam ko na sa kundisyon nito ay malabong mabuhat nito palabas si Daniel dahil bukod sa may tama at sugatan din ito ay hirap din itong tumakbo.
Isang malakas na putok ang sumalubong sa amin at parang kasing bilis ng kidlat na bumagsak sa sahig ang kasama namin. Ilang palitan ng putok bago napatumba ng mga pulis na kasama ko ang lalaking tauhan ni Laura na siyang kumuha sa akin sa bahay namin at bumaril kay mama.
Isang malakas na pagsabog ang magpayanig sa buong lugar bago nasundan ng isa pang pagsabog at sumunod ang sa sala.
Sa lakas ng impact ay halos mabingi ako at tulala na pinapanood ang lugar na nilamon na ng apoy kasama ng mga katawan ng mga kasamahan ni Laura.
"Rechel, takbo!" malakas na sigaw ng kaibigan ni Daniel na hindi ko alam ang pangalan. Malapit na kasi kami sa pintuan at ilang hakbang na lang sana pero parang napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko ng makita ko ang buong paligid.
"May iba pang bomba dito, hindi lang sumabog dahil na-resit ang program nito. Kapag hindi ka pa tumakbo palabas ay kasama ka nilang matutupok oras na sumabog ang mga yan kapag inabot ng apoy!" sigaw ulit nito.
Sa narinig para akong nagkaroon ng lakas na muling ihakbang ang mga paa at patakbo na lumabas. Ilang dipa lang ang distansya ko sa pintuan na pinanggalingan ng muling sumabog ito.
Hindi ko inaasahan ang isang bagay na tatama sa ulo ko na naging dahilan ng biglaan na pagdilim ng paningin ko at walang lakas na bumagsak sa lupa.
3 months later.
Daniel POV.
"Ate kumain ka na. Ah, open your mouth," Ito ang malimit na marinig ko habang pinapakain ni Kristine si Rechel.
Gising nga ito pero nanatiling tulala at tila ba tuluyan na tinakasan ang mundo. Humihinga s'ya, nakakilos pero blanko ang ekspresyon ng mukha.
Hindi ko maiwasan na hindi sisihin ang sarili ko sa nangyari dito. Kung hindi lang sana ako naging careless ay hindi ito aalis sa bahay ko ng gabing 'yon. Kung sana sinabi ko dito ang totoong nararamdaman ko baka hindi kami umabot sa ganito. Baka iba pa ang kinalabasan ng kwento namin.
Naging duwag kasi ako at naging padalos-dalos kaya naganap ang barilan sa harap nito na labis na nakaapekto sa emosyon nito na naging dahilan para sumuko ito.
Larawan ng matinding galit at pinaghalong takot ang nakita ko sa mga mata nito pero nanatili itong tikom ang bibig. Sabi ng phycologist na tumitingin dito ay maraming bagay ang hindi nito matanggap at sobrang lungkot ang naramdaman nito kaya naging ganito ito.
Hindi ko alam kung hanggang kailan siya magiging ganito pero mananatili ako sa tabi n'ya at hindi susuko. Kung ako ang naging dahilan kaya siya naging ganito ay ako rin ang magiging dahilan para gumaling ito.
Gagawin ko ang lahat para bumuti ang kalagayan nito kaya nga dinala ko siya dito sa private resort ko dito sa La Union kasama ng mga kapatid niya.
Makakatulong sa kan'ya ang lugar na ito, malayo sa gulo na naranasan nito sa lungsod. Alam ko na dito ligtas na siya lalo na at wala na si Laura at ang mga kasabwat nito matapos mabaril at hindi na nakalabas ng hideout nito ng tuluyan itong nilamon ng apoy matapos ang pagsabog.
Hindi ko alam ang katotohanan sa likod ng mga sinabi n'ya dahil ako mismo sa sarili ko ay hindi ko kayang paniwalaan ang salitang lumabas sa bibig nito.
Ayaw ko na maging anak n'ya. Totoo man o hindi wala akong balak na alamin pa ang tungkol doon. Sapat na sa akin na ligtas na si Rechel at wala ng banta sa buhay nito.
Tuluyan na pinakulong ko ang abogado ng pamilya nito na nakipag sabwatan kay Laura. Binawi ko ang lahat ng rights at ari-arian nito at personal na hinawakan.
Hinihintay ko na lamang na gumaling si Rechel at ito mismo ang magdisisyon para sa mga ito. Sana lang gumaling na siya.
Binuhat ko ito at iniupo sa wheelchair matapos kumain at palitan ng damit ng kapatid. It's time for me to do our daily routine na ipasyal ito sa labas tuwing hapon na papalubog ang haring araw.
Isa ito sa advise ng doctor nito at malaking tulong ito para maging relax ang isip nito.
Tulad ng dati hinawakan ko ang palad nito at naupo katabi nito sa malaking bato paharap sa dagat.
Kita ng mga mata ko ang bahagyang pagkibot ng bibig nito at pagkurap ng mga mata. Kaya hindi ako sumusuko dahil sa mga sign na nakikita ko. Alam ko na galing s'ya sa lalong madaling panahon.
Malimit kasi tulala lang ito at tila walang buhay ang mga mata. Walang nababakas na reaction o emosyon sa mukha nito pero iba ito tuwing inilalabas ko ito.
Marahan na hinaplos ko ang magkasalikop naming palad saka tumitig sa mata nito bago nagsalita.
"Alam ko na naririnig mo ako, please bumalik ka na sa dati. Hindi ko kaya na makita ka ng ganitong kondisyon sa matagal na panahon. Gusto ko na bumalik ka sa dati na puno ng buhay at masaya. Please kahit para sa mga kapatid mo, kahit hindi para sa akin okay lang sa akin. Okay na ako basta maging okay ka na ulit."
Hindi ko napigilan ang lungkot na bumalatay sa mukha ko habang nagsusumamo na nakatingin dito. Wala itong naging reaksyon at nanatiling blanko ang mga mata na nakatutok sa dagat.
Bumalik tuloy sa alaala ko ang panahon na gumising ako at Ito ang una long hinanap pero wala ito. Dahil sa takot ko na baka may masamang nangyari dito o kaya baka nakuha itong muli ng grupo ni Laura ay tumayo ako para hanapin ito at dahil mahina ako ay wala akong nagawa ng bumagsak ako sa malamig na sahig at umagos ang dugo mula sa bumukas na sukat sa tiyan ko.
Hindi ko makakalimutan kung paano ako lumaban na mabuhay para kay Rechel. Gusto ko na itama ang lahat at magsimula kami. Natatakot ako sa posibleng kahantungan ng lahat oras nà tanggihan ako nito lalo pa at nakita ko kung paano ito tumingin na puno ng galit sa mga mata ko bago ang insidente na 'yon.
Siguro nga ito ang tamang panahon para patunayan ko kung gaano ko ito kamahal. Handa akong magsakripisyo at palayain ito oras na ginusto at hiniling nito. I loved her so much at kaya ko ulit siyang mahalin mula sa malayo o tulad ng dati na pinapanood ito at sinusundan ng tingin sa bawat pag-hakbang nito.
Puno ng lungkot na tumingin ako dito. Ayaw ko siyang sukuan pero kung ang paglayo ko ang magiging daan para tuluyan siyang gumaling ay gagawin ko.
Posible na dahil ako ang isa sa dahilan ng lahat ng ito ay hindi nakakatulong dito ang presensya ko. Siguro, kung lalayo ako ay mas magiging mabilis ang pag galing nito dahil walang ako na nagpapaalala dito ng mga masasakit na pinagdaanan nito.
Hindi ko naramdaman ang luhang pumatak sa mga mata ko. Nakita ko na lang na bumagsak ito sa kamay nito na hawak ko sa kandungan ko.
"It's hard, really hard, pero kung kinakailangan na lumayo ako para gumaling ka ay gagawin para sa'yo. Ganyan kita ka mahal Rechel," sabi ko saka hinalikan ang likod ng palad nito na muling napatakan ng tumulong luha sa mata ko..