__10__ Nissy woke up when she heard sounds around her. Nang magmulat siya ng mga mata ay si Carmona ang nakita niya na nagpapalit ng mga kurtina. Luminga siya sa paligid at walang ibang tao sa kwarto kung hindi sila lang na dalawa. “Gising ka na pala. Ala una na. Kumain ka na at nakatulugan mo na yata ang pag-iyak.” Alok nito sa kanya. Bumaba ito mula sa bay window at ipinaghanda siya ng pagkain. “Mugto na ang mata mo. Tapalan natin ng malamig na ice pack mamaya para humupa ‘yan. Sus na bata, nag-away ba kayo kaya ka umiyak nang umiyak?” usisa ng matanda pero parang wala naman dito ang pinag-awayan nila ni Zed. Saka nag-away ba sila? Inaway niya iyon pero hindi naman halos nagsasalita. Masama ang loob niya at nasasaktan siya sa panloloko sa kanya ni Paul. Imposible na gawa-gawa