CAMILLE POV ILANG buwan na rin magmula ng pumayag ako sa pagiging Fake Girlfriend ni John. Marami na rin kaming napaniwala at isa na dun ang pamilya ko. Wala na sana ako balak pa na ipaalam sa kanila ang tungkol samin ni John pero hindi ko hawak ang lahat para pigilan na makilala nila si John. Tinanggap ko na lang dahil parte pa rin iyon ng Fake Relationship namin. Ngayun, Alam ko na ang feeling kung pano magkaroon ng karelasyon. Akala ko nung una ay mahihirapan ako. Hindi ako pinabayaan ni John. Parang natural lang ang lahat samin. Kusang nangyayari ang lahat. Kaya nagpapasalamat ako kay John dahil dumating siya sa buhay ko sa tamang oras at araw. Hindi ko maikakaila na tuluyan na akong nahulog sa kaniya. At hindi ko alam kung dapat ko ba ipaalam kay John gayung peke lang ang relas