CAMILLE POV "Are you ready?" I nodded. Hinawakan ni John ang kamay ko. Sabay kaming naglakad patungo sa Kotse. Papunta kami sa Resort ni Ms.Xena. ayoko sanang sumama pero pinilit ako ni Sam. Pumayag ako kaysa si Jane ang kasama ng asawa ko. Umaasa ako na may magbabago sa bakasyon naming ito. Umalis na kami ni John. Aabutin kami ng dalawang linggo dito sa Resort. Nag-enjoy kami kasama ang buong barkada ng asawa ko. Naging kaibigan ko ang mga partner nila. Nagkaroon din kami ng pagkakataon para pag-usapan ang mga past namin. Karanasan sa mga asawa namin. Sobrang relate ako sa mga kwento nila. Damang-dama ko yung sakit. Kinabukasan ay nag-handa na kami ni John para sa Birthday party ni Xena. Si John ang pumili ng isusuot ko. Umalis na kami sa Suite. Sumakay kami ng Kotse. Hind