CAMILLE POV "Nay, kailangan ba talaga na kasama ako?" Tanong ko. Ngumiti si nanay at sumagot. "Yes anak. Kaya halika na." Tumango ako. Sinundo ako ni Nanay sa bahay ni tatay. Sinabi niya sa akin na may mahalaga kaming pupuntahan. Si nanay ang nag-drive ng kotse. Huminto kami sa sikat na Hotel. Nagtataka nga ako kung bakit pero naisip ko na iba na nga pala si nanay. Marami pa kaming hindi alam sa kanya. Pumasok kami sa hotel at ngayun nga ay naka sakay kami ng elevator. Pagkarating namin sa 10th floor. May sumalubong sa aming babae. "Nasan sila?" Tanong agad ni nanay. "Sa resto ma'am." Sinamahan kami ng babae. Bago kami pumasok ay pinigilan ako ni Nanay. "Mauna ka ng pumasok sa loob." "Bakit nay?" Takang tanong ko. Ngumiti siya. "May tatawagan lang ako." Tumango ako.