CAMILLE POV "Tay.." tawag pansin ko sa kanya. Pagkatapos nilang mag-yakapan ni nanay. Iniwan na niya sa hardin si Nanay. Hinabol ko sjya para makausap. "Tay.. mag-usap tayo." Humarap siya sakin. Nag-punta kami sa front door. Hindi ko mapigilang maluha habang pinagmamasdan siya. "Dapat galit ako sayo kasi iniwan mo kami pero di ko kaya sa tuwing tinititigan kita. Mahirap aminin. Mahirap maging tigas." Panimula ko. "Mahal kita tay. Ikaw pa rin ang unang lalaking minahal ko. Ang unang nanakit sakin." Niyakap ako ni tatay. "Patawarin mo ang tatay. Kasi pinabayaan ko kayo. Hindi ko na maibabalik pa ang lahat anak. Nangyari na." Aniya. Humiwalay ako sa kanya. "Hindi ko kayo susukuan katulad ng ginawa ko noon. Babawi ako sa lahat ng pagkukulang ko bilang ama niyo." "Lagi mong tata