Chapter 7 Pagkalabas ko mula sa silid ni Hannibal, parang bumigat lalo ang hangin. Ang mga yapak ko sa makintab na sahig ng hallway ay tunog ng pagkukunwari. Ang totoo, nanginginig pa rin ang loob ko. Kung hindi lang ako sanay magtago ng emosyon, kanina pa ako nahulog. I had to keep my mask perfect. Ang dami kong gustong itanong. Sino talaga 'yung Shadow? Ano ang alam niya? At hanggang saan ang pinagdududahan ni Hannibal? Huminga ako nang malalim. Focus, Morana. Isa lang ang dapat mong tandaan ngayon: hindi nila puwedeng malaman kung ano ka. Pagdating ko sa dulo ng pasilyo, isang pamilyar na tinig ang sumalubong. "Finally." Napatingin ako. Nandoon si Athan, nakasandal sa poste, parang kanina pa naghihintay. Ang suot niya'y luma-luxury na suit na medyo kulang sa butones sa kwelyo—cas

