Malayo-layo rin ang biyahe nila ni Enzo patungong San Ignacio. Hapon na silang umalis kanina ng San Miguel. Marami pa kasi silang inasikaso. Inayos pa niya ang mga gamit na kailangan dalhin. Kaunti lamang ang nadala niya, sinabi naman ni Enzo na ibibili na lang siya nito ng mga kailangan niya. Matapos nilang mag usap ni Enzo kahapon at kumain nagpaalam din ito sa kanya na sa VincElla Hotel ito matutulog. Inakala pa naman niyang ngayong kasal na sila ay sa bahay na nila ito matutulog. Syempre hindi naman sila magsasama sa iisang silid. Alam din niyang wala pang honeymoon na mangyayari. Although aaminin niyang umasa siya, lalo na't napag usapan naman nila ang tungkol sa bagay na iyon. Inihanda naman niya ang sarili sa kung ano man ang magaganap sa kanila ni Enzo ngayong mag asawa na sila.