Hindi naman siya napahiya ng halikan si Enzo, agad niyang naramdaman ang mainit na pag tugon nito, kaya naman mas lalo pa niyang hinalikan ang asawa. Mariin at puno ng pananabik ang halik niya rito, ganoon rin ang ganting halik sa kanya ni Enzo. Hinawakan pa ang mukha niya para mas lalo siya nitong mahalikan. Katulad din niyang puno ng kasabikan ang pagkilos ng labi nito. Nagsasabay ang pagsayaw ng kanilang mga labing kapwa sabik sa isat-isa. Ang tagal na niyang hinihintay mangyari ulit ang bagay na ito, sadyang wala lang siyang lakas ng loob. Si Enzo naman napaka gentleman sa kanya, wala itong nilalabag na ano mang sa naging kasunduan nila sa paghihiwalay nila. Masyado itong mabait sa kanya at talagang nirerespeto siya ng asawa. Naramdaman ang pag apit ni Enzo sa bewang niya, nagdikit