Nagising ako na tila minamartiyo ang ulo ko sa sakit. Pagbangon ko, nilibot ko ang tingin ko sa paligid. Bumalik sa alaala ko ang nangyari kanina. Nalasing ako. Nilayuan ko si Astar. Ang gulo ko.
Nabigla ako nang may natamaan ang hita ko nang bumangon ako. Saka ko lang napansin na katabi ko pala si Astar. Basa pa ang buhok niya at naka robe lang siya. Tulog na tulog. Nakita ko na siyang mahimbing na natutulog ngunit iba ang tulog niya ngayon. Nakangiti pa nga siya kahit na tulog. Parang panatag na panatag siya sa kwartong ito.
Ako, gusto kong makaalis kaagad sa lugar na ito. Nagbabalik kasi sa alaala ko ang lahat ng paghihirap. Si nanay.
Tumayo ako at inayos kaagad ang damit kong gusot. Sa biglaang pagkilos ko biglaan ding tumama ang hangover ko. Napaupo ako uli sa kama at napahawak sa ulo ko. Akalain mong nagka-hangover ako sa wine.
Nagising siya sa kalikutan ko. "Are you okay?"
"Ah, oo." Pinilit kong ngumiti kahit na ang sama ng timpla ng sikmura ko. Uminom kasi ako ng walang kain.
"Don't fool me. Halata sa istura mong may hangover ka. Magpahinga ka muna."
"Uwi na ako."
"May problema ba?" Untag niya.
"Wala naman," hindi lang ako kumportable sa kwartong ito.
"Hindi na ako galit sayo pero baka ikaw nagtatampo sa akin?"
"I told you it's nothing. Hihintayin lang sana kita sa bar kaso naparami ang inom ko ng wine. I'm sorry if ever I made you worried." I tried my best to hide my panicked and smiled at her.
Tiningnan niya ako sa mata nang matagal at walang sinasabi. 'Di kalaunan siya na rin mismo ang umiwas ng tinggin sa akin, inangat ang teleponong nasa tabi niya at tumawag sa room service. Nagpadala siya ng soup at kape.
"Hindi mo na kailangang mag-order para sa akin. Uuwi na ako." Sabi ko sa kaniya pero hindi niya ako pinakinggan. Hindi niya rin ako pinayagang makaalis sa kwarto.
"You know what," sabi niya nang sumuko na ako sa kakulitan niya.
"Oo na, hindi na ako aalis." Pinapatay na din kasi ako ng ulo ko sa sakit. Humiga ako sa kama at pinikit ang mata ko.
"Good," naramdaman kong humiga rin siya sa tabi ko. "You know what," ulit niya.
"Ano na naman?" Naiinis kong sabi.
"If I die I want to die here, in this room, lying on this bed."
Napadilat ako at nilingon siya. Nakangiti siya habang nakatingin sa ceiling. "Ang weird mo talaga."
"Will you do that for me?"
"Ang alin? Ang patayin kita dito sa kwartong ito habang nakahiga ka ngayon?" Nawala ang yamot ko sa kaniya. Napangisi ako.
"Baliw! Gusto kitang maging asawa pero hindi maging kriminal."
"I can be both." Napahagikgik ako kaso natigil din kaagad dahil sa hangover ko.
"Kung ako weird, ikaw naman pyscho." Tiningnan niya lang ako para irapan ako.
"Kung ano-ano kasi pinagsasabi mo." Nagtawanan kaming dalawa ngunit nawala rin ito ng may kumatok sa pintuan.
Dumating ang pagkain namin at tahimik kaming kumain. Natutuwa akong ito ang order niya kasi nakatulong ito para mabawasan ang sakit ng ulo ko. Natutuwa rin ako dahil napatawa niya ako kahit na masama ang pakiramdam ko sa lugar na ito.
Pagkatapos kong kumain nagpaalam na akong uuwi ako at magkita na lang kami sa Sunday para sa susunod naming date.
"Why are you in a hurry? Kikitain mo ba si Umi?"
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Ganoon din siya.
"I saw her last day in Hongkong."
"Uh, Umi and I are... nothing."
Umiling siya. "That's so disappointing, Janus Miles. Don't ever deny your ex."
Ex ko nga ba si Umi? "I'm not denying her. We're just friends..."
"with benefit," dagdag niya.
Nagkibit balikat na lang ako.
"Alam mo bang pinagbantaan ka niya na kung sakaling ipasa ko raw sayo ang STD ko 'wag na 'wag ka na raw magpapakita sa kaniya."
"Did she really said that?" Tanong ko kahit na sigurado akong kayang sabihin ni Umi 'yon.
"Well she's just kidding."
"Masakit talaga magbiro ang babaeng 'yon."
"Well, I knew her back in highschool. Taklesa talaga siya at lagi niyang sinasabing may STD ako." Napangiti siya na tila ba may naisip siyang masayang alaala.
Masaya ba ang bullying?
"She also told me that you guys used to have a relationship but you're cool now so if we have time she invited us to have a double date."
Double date? Kanino naman kaya?
"Don't worry if you love Umi you can—"
"No, I'll marry you." I need Grants more than a relationship with Umi.
"What I mean, we'll get annulments after three years."
Parang binuhusab ang ulo ko ng yelo samantalang inaapuyan naman ang likod ko. Napamaang lang ako sa sinabi niya. Magandang idea ang sinabi niya pero nalilito ako sa dapat na iaasta ng pagkatao ko. "Let's talk about this on the other day, okay? I just felt... s**t. My head hurts and... good night." Lumabas ako ng kwarto na ang bigat lalo ng katawan ko.
Sa lobby tumigil muna ako sa receptionist para ipa-book ang kwarto kung saan ako galing sa susunod na araw.
"The presidential suite is not open for any reservations, Sir." Sabi ng receptionist.
"Kakagaling ko lang doon ngayon. Walang kahit na sa ibang date?"
"Ah, kayo po pala ang kasama ni Ms. Aster. Sorry po pero exclusive kay Ms. Aster ang presidential suite na iyon. Kung gusto niyo po ipapaalam ko po sa kaniya ngayon na gusto niyo pong—"
"Oh, it doesn't matter. Thanks anyway." Pinutol ko na ang sinasabi niya kasi baka tawagan niya pa talaga si Aster.
Umalis na lang ako sa hotel at umuwi na. Kailangan ko na magpahinga. Ang sama-sama ng pakiramdam ko.
***
"Is there anything bothering you?" Tanong sa akin ni Jonathan kaya nawala ako sa konsentrasyon.
"You," seryoso kong sagot.
"2 days ka nang ganiyan."
"Anong ganito?" Tuluyang naalis na ang tingin ko sa tinatapos kong financial report. Tiningnan ko siya ng masama.
"Wala sa mood. PMS-ing?"
"Pagod lang ako sa lahat nang ginagawa ko dito sa opisina." Napapikit ako. Kagabi ko pa hinahapit tapusin itong reports.
"Next week pa kasi ang deadline pero aligaga ka na. Bro, alam ko may iba kang iniisip. Spluk mo na 'yan. Love life?"
"Nandito ka lang talaga para guluhin ako, noh?"
"Dahil ba ito sa fiancée mo?"
Napadilat ako at napatikhim. "Part of it." Pag-amin ko. "Hindi ko alam kung nag-away ba kami noong isang gabi. Ang kinaiinis ko hindi man lang niya magawang mag-text. Ako na lang lagi ang nauuna parang ako lang ang may kailangan sa kaniya."
"LQ"
"Tigilan mo ako. Hindi LQ ito. Pride 'to. Pareho kaming nagmamatigas kahit na kailangan namin ang isa't isa." Napakuyom ako sa inis.
"Ikaw naman kasi ang nangangailangan 'di ba? Siya gusto lang magsaya. Ikaw gusto mong makuha ang kumpanya niya. Ikaw ang magpakumbaba."
"Itigil ko na kaya ito? Maghanap na lang kaya ako ng ibang chance para mapabagsak ko ang Grants?"
"So mas itataas mo ngayon ang pride mo matapos mong gumapang sa hirap at kahihiyan?" Nawala ang playfulness sa mukha ni Jon. Siya lang ang nakakaalam ng lahat tungkol sa akin. Kaya maski ang dapat kong isipin mas alam na niya kaysa sa akin.
Napabuntong hininga ako. "She's so... weird and frustrating to handle! I can't figure her out. One second she's this snob b***h then the second she's like an angel. Minsan magagalit siya sa akin ng walang dahilan. Madalas kung ano-anong pinagsasabi niya. Gusto niya pang mamatay sa loob ng kwarto kung saan namatay si nanay!" Nababaliw na ang babaeng 'yon.
"Chill lang Janus. Ikaw lang siguro ang masyadong nag-i-invest sa kasunduan niyong dalawa. And I can smell that you're developing feelings for her."
Gusto kong tumawa ngunit nauwi lang uli sa malalim na buntong hininga. "'Wag nga ako, Jon."
"Sinasabi ko sayo, ingatan mo 'yang puso mo bro. Isang kasunduang negosyo lang ang mayroon kayo. Pag umandar 'yang pagka Don Romantico mo ikaw ang kawawa."
"I know, bro. I know."
❤️❤️
May hinihintay sana ako bago ko i-ud 'to pero hindi ko na kaya! Update din ako kagad ng susunod na chap.
Follow me at:
Twitter: @keidaps
IG: @keiredwp / @kimdapal