Jonas Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o malungkot sa araw na pumayag siyang sumama sa amin ng anak ko. Nakita kong kasama namin siya sa lahat ng magandang lugar na gustong puntahan ng aming anak. Alam kong nasa tabi namin siya sa buong araw na dumadaan pero hindi ko maramdaman ng presensiya ng aking asawa. Na para bang ang lapit lang niya sa akin pero ang hirap pa rin niyang abutin. Alam kong ako ang kasama niya pero ramdam kong iba ang nasa isip niya. Napapansin ko sa mga galaw niya na iba ang hinahanap ng mga mata niya. Ako ang kanyang kasama pero iba ang kailangan niya. Fuck you, Josh Montero! Masakit. Nasasaktan ako dahil ramdam ko na para bang balewala lang sa kanya ang presensiya ko. Ngumingiti lamang siya sa tuwing ang anak ko ang kaharap niya. Nagsasalita lamang