Sarah Hindi sumagi sa isip ko na ang masayang paglalakbay kasama ng anak ko habang pauwi sa bahay ay magiging isang masamang bangungunot. Walang akong idea kung anong panganib ang kinakaharap ni Jonas sa tuwing pinagbabantaan ang buhay niya. Ngunit sa puntong ito ay napagtanto kong nakaka-trauma ang dulot niyon. Lalo na sa inosenting si Johan na bakas ang takot sa nanginginig nitong katawan. Nakakaawa pero wala akong magawa para tulungan ang anak ko. Kung sana ay hinayaan lang nilang maka-uwi ng ligtas ang anak ko at ako na lang ang kinuha nila ay mas mapapanatag pa ako. Walang magulang na gugustuhing makita na mamatay sa matinding takot ang kanyang anak. Walang magulang na matitiis ang paghihirap ng kanyang anak. Sa lahat ng mga nangyayari ay walang kinalaman ang anak ko pero sa gina