Sarah Nagdadabog akong tumalikod sa kanila at mabigat ang bawat hakbang ko na tinahak ang hagdan. Hindi ko maipaliwag ang matinding inis na naghahari sa kalooban ko. Hindi ko maipaliwag ang masamang nararamdaman ko at subrang nakakalito iyon intindihin. Alam ko sa aking sarili na wala ng puwang pa sa puso ko si Jonas. Ang dating pagmamahal ko sa kanya ay napalitan iyon lahat ng galit at poot. Ang malalim kong pag-ibig sa kanya noon ay alam kong wala na at nabura nang para bang bula dahil natabunan na iyon lahat ng panlulukong ginawa niya. Sa matagal na panahon na nawala siya sa buhay ko ay sigurado ako sa nararamdaman kong nakalimot na ako sa kung anong puwang niya sa buhay ko. Ngunit heto ako ngayon at nagpupuyos sa inis at galit ang puso ko. Para bang gusto kong sakalin at samplin nan