Sarah "Please don't..." nahihirapan na bulong ni Josh. Natigilan ako at nagtatakang napatingin sa kanyang mga mata. Ilang dangkal pa rin ang namamagitan sa aming mga labi at isang maling galaw ko lang ay muli na naman magdidikit ang aming mga labi. "Don't moan..." pabulong na dagdag pa niyang sabi at mabilis na itinago ang kanyang mukha sa leeg ko. Mahigpit ako nitong niyakap at ilang sandali pa ang lumipas nang mapagtanto ko ang ibig niyang sabihin ay malakas akong natawa. Bahagya ko siyang itinulak palayo sa leeg ko at pinagmasdan ang kanyang mga mata. "Bakit? Ano bang ginawa ko?" natatawang tanong ko. Feeling inosenti akong humarap sa kanya kahit na may idea na ako sa sinasabi niya. Mariin ako nitong tinitigan na para bang sinusuri kung seryoso ba ako sa naging tanong ko. Kapagkuw