Jonas Lumipas ang mahabang sandali na nasa loob lamang kami ng aking sasakyan. Magkayakap ang hubad naming mga katawan sa pagitan ng malakas na ulan. Malaya kong nasisilayan ang mga nangyayari sa labas ng gusali dahil nasa entrance lamang kami ng parking lot. Marahil ay isang oras na o mahigpit pa roon ang lumipas ngunit ang malakas na ulan ay wala pa rin tigil at mas lalo pa iyon lumalakas na may kasamang hangin at pagkulog. Bumaba ang tingin ko sa natutulog na si Trina. Sa subrang pagod dahil sa paulit-ulit na paglalakbay sa ika-pitong langit ay nakatulog na siya sa mga bisig ko. Marahan kong hinaplos ang inosenting niya na tila ba hindi makabasag pinggan, hanggang sa napunta ang mga daliri ang sa mapupula niyang mga labi. Ilang sandali ko siyang pinakatitigan. Nang muli kong tignan a