Jonas "Ano na ang plano mo ngayon, Jonas? Iiwan mo na ba ako para sumunod sa kanya? Susundin mo ba ang gusto ng Papa mo?" nakatalikod na tanong ni Trina. Ramdam ko ang lungkot mula sa kanyang tinig. Alam kong nangangamba rin siya sa kung ano man ang desisyon na gagawin ko ngayon. Hindi siya nagsasalita para hingiin na piliin ko siya ngunit nakikita ko sa mga galaw niya na umaasa rin siya na siya ang pipiliin ko kahit ano pa man ang mangyari. Nandito kami sa bahay namin ng asawa kong Sarah at abala siya sa pagluluto ng aking makakain. Patago lang ang pag punta niya dito sa bahay dahil pinagbawalan kaming magkita ni Papa. Ang gusto ng matandang iyon ay suyuin ko ang aking asawa hanggang sa bumalik siya sa akin. Ang gusto ng matandang iyon ay magmakaawa ako sa harapan niya para lang