Chapter Six NATHAN MEDYO naguguluhan ako sa kanya dahil sabi nya kanina ay close na kami. Pero nahihiya siyang tawagin ko siyang ganda sa harapan ng kanyang mama o maging ng kung sino man sa mga nakakakilala sa kanya lalong-lalo na ang mga tao sa loob ng bahay. Eh wala din naman akong magagawa kaya susunod na lang ako sa gusto niya. Kaya naman nagpatuloy na kami sa paglalakad papunta sa bahay nila pareng Leo dahil ikatlong taong kaarawan ngayon ni baby Leo. Hindi ko na ginamit ang motor ko dahil malapit lang naman ang aming lalakarin. Katulad ng inaasahan ay marami nang tao sa bahay nila pareng Leo. Kumpleto na ang barkada maging ang kanilang mga anak at asawa. Wala akong nabiling panregalo sa aking inaanak kaya naman nagdala nalang ako ng pera para ibigay ito sa kanya. Hindi na ka