Chapter Twenty Three NATHAN HINDING HINDI ko pagsisisihan ang nangyari sa aming dalawa. Madaling araw na at nasa puno pa rin kaming dalawa. Mahimbing ang kanyang pagka katulong sa balikat ko habang yakap yakap ko siya. Alam kong nilalamig siya dahil tanging ang mga damit lamang naming dalawa ang proteksyon namin sa singaw ng lamig na galing sa lumalamig na kapaligiran kaya naman pinili kong maging kumot niya magdamag. Tatlong beses din iyon. Hindi ako tumigil dahil gusto kong ipadama sa kanya ang hindi niya malilimutang gabing ito. Ni hindi man lang ako tumigil kaya naman maging ako ay nakadama rin ng pagod pagkatapos niyon. Ngunit siniguro ko na hinding hindi niya makakalimutan at magiging espesyal ang gabing ito para sa kanya. Kaya naman hindi na niya nagawa pang bumalik sa kanya