KASAMA SI MILLY, naglibot kami sa lahat ng packhouse. Ini-anunsyo ni Lyme sa lahat na ako ang Mate ni Aleca kaya halos lahat ay Luna na ang tinatawag sa akin. "My fathers pack is two times larger than this pack," wika ni Milly habang naglalakad kami. Napabaling ako dito at base sa hitsura nito, hindi nagyayabang ang dalaga. "Paano ka napadpad dito? Nabanggit ni Lyme na sa Germany ang teritoryo n'yo hindi ba?" Somehow parang nawawala na ang nega vibes ko dito. Baka nagkataon lang na magkaribal ang tingin namin sa isa't isa kaya humantong sa hindi maganda ang sitwasyon noon. Ngunit dahil natagpuan na nito ang tunay na mate nito, it seemed like the blond woman is not that bad at after all. Bumuntong hininga si Milly. "Nakikipag-alyansa si Alec sa aking ama and let's say nagka crush ak

