s**t! Mabilis akong lumabas ng gym nang makitang tumatawag na naman sa aking cellphone si Preston Li. Humanap ako ng lugar na walang makakarinig sa akin upang kausapin ito dahil mahirap na, kagabi ay lubos na naging tahimik si Aleca at nagmula iyon nang mabanggit ni Milly ang tungkol sa tawag sa'kin kahapon. Gumanda lang ang mood ng Alpha nang lambingin ko ito kaninang umaga paggising namin. Ayokong magkaroon ng kahit na anong maliit na bagay na pwede naming pag-awayan kaya naman dapat na tapusin ko na ang anumang ugnayan namin ni Preston Li. "Will you stop pestering me!" agad na sita ko ng sagutin ko ang phonecall. Ang inaasahan kong sasagot ay ang matabang intsik ngunit ibang boses ang tumugon sa akin. "You monster! How dare you involved me in your filthy worthless life!" Muntik

