Nagkakatinginan si Nica at Lola Pasyang sa hapag kainan. Kasi parang bata na tinuturuan ni Estong si Lorben kung paano kumain gamit ang kutsara. Ayaw man kasi ni Nica ay napilitan pa rin itong iuwi sa bahay nila ang binatang alien. Kinulit ng kinulit kasi siya ni Estong, tapos ay kinonsensya. Na kapag daw baka iwanan nila ang alien ay baka kung mapaano ito. "Kanamay" ~salamat~ nahihiyang pasasalamat Lorben sa batang si Estong. "Kanamay" pati na kina Nica at Lola Pasyang. Hindi ito makatingin ng maayos sa kanila. Lalo na kay Nica. "Kuya anong sabi mo?" kamot sa ulo niya si Estong. Inintsik na naman kasi sila ng binata eh. Napamaang si Lorben tapos ay napangiti ito ng maluwang, nakalimutan niya na mali pala ang kanyang salita "Ang.. ang sabi ko ay salamat!" "Aaaaahhh!" si Estong. Napa