First kiss ni Snow White. ~ "Anak ba't ang daming binili sa'yo ni Simon na gamit?" Napatigil ako sa pag kain ng tinapay na may palaman at tumingin kay Ina na binubuksan ang binigay sakin ni Simon. Tumingin ako sa relo ko at nakita kong mag aala syete na sya ng umaga. "Mama ba't ngayon mo lang 'yan binuksan. Nung sabado pa nandyan 'yan." sagot ko sa kanya. "Nakalimutan ko." Nag lakad ako papunta kay Ina habang kumakain ng tinapay na may palaman o mas tinatawag na Sandwich. Tinignan ko ang mga bestidang nilabas ni Ina at pinatayo ako. Tinapat iyon sakin ni Ina habang patuloy parin ako sa pag kain ng tinapay na may palaman. "Bagay sa'yo to. Lagpas tuhod, maganda mamili si Simon ah." Isang kulay asul 'yong pinasukat sakin ni Ina at sunod naman ay kulay Pula na hanggang ibabaw na tuh