"Ayoko na muna, Simon. Ayoko muna, napapagod na ko." "S-Sena..." "May kulang satin, Simon. May kulang sating dalawa kaya sobrang daling sirain ang relasyon natin. Hindi mo ba napapansin?" umiwas s'ya sakin ng tingin at ngumiti ako. "Mag pahinga muna tayo pareho. S-Saka nalang tayo mag usap pag alam mo na talaga ang gusto mo." napatingin s'ya sakin. "Isa lang ang gusto ko, Sena. Alam mo 'yon." "At sa tingin mo ba pag binigay ko ang gusto mo magiging masaya na tayo?" napahinto sya sa sinabi ko. "Hindi pa tapos, Simon. Marami pang maaring sumira satin at paulit ulit tayong masasaktan kung mag tutuloy tuloy pa tong relasyon natin na pilit na sinisira ng iba." Pinikit ko ang mata ko at niyakap ang unan sa gilid ko. Huminga ako ng malalim habang iniisip parin ang nang yare kanina sa coffees