Snow white
"Ina anong maaring gawin ko pag sa unang araw nang aking pag susulit?"
"Anak hindi pwede ganyan ang salita mo don. Lahat ng tao don ay mayayaman ay mapanghusga gusto kong matuto kang mag salita ng tama."
Napabuntong hininga ako sa harapan ng aking ina. Malapit na ang unang araw na pag susulit. Ang kabang nararamdaman ko ay hindi ko maintindihan. May halong takot at kagustuhan pero mas nanaig sakin ang takot dahil sa sinabi ni Ina na ang mga tao don ay mapanghusga.
"Gusto mo ba makita ang iyong paaralan?"
"Pwede ba ina?" tumango sya sakin.
"Ikaw ay mag palit. Suotin mo ang itim na bestida mo at isang itim na sapatos na walang tali. At bumaba ka dito."
"Sige ina!"
Mabilis akong pumanik sa taas. Isang linggo na simulang pinayagan akong lumabas ng aking ina. Ang sayang nararamdaman ko ay kakaiba, malaya kong nakikita ang mga batang umuuwi galing sa kanilang eskwela. Marami din napapatingin sakin dahil siguro noon lang nila ako nakita. Pinaliwanag na ng aking ina ang lahat lahat kaya naman naiitindihan ko ang kanilang mga tingin.
Nang matapos ako mag bihis ay sinuklay ko ang mahabang buhok ko. Umaabot ito hanggang balakang ko, kulay itim at straight na straight. May binigay sakin si Ina na kulay pulang gamit na ang kulay daw sa aking labi. Parang tubig na pula ang nasa loob, tinuruan din ako ni Ina mag lagay nito sa aking labi. Hindi ko na daw kakailangan ng pulbos para saking pisnge pero kailangan daw papulahin ng konti para daw hindi ako mukang namumutla. Nilabas ko ang isang bilog na sinasabi ni Ina na blush on. Kulang pink ito batay sa kulay na tinuro sakin ni Alena. Bahagyan kong pinunasan ang pisnge ko non at saka ngumiti.
Mabilis akong lumabas sa aking silid at bumaba. Napatingin agad sakin si Ina na nakasuot ng isang maong na mahabang pantalon at kulay puti sa pangitaas.
"Ngayon ang huling araw na pasukan sa paaralan papasukan mo. I mean, this is the last day for first Sem, Sena."
"Opo, Ina."
"Napakagandang bata. Alam mo na pala syang gamitin, anak."
"Opo. Nakinig po kasi ako sa inyo." nakangiting sabi ko.
Sabay kaming lumabas na dalawa sa bahay ay kinandado 'yon ni Ina. Hinarang nya ang kamay nya para tumawag ng isang sasakyan o mas tinatawag na traysikel. Tinuruan ako ni ina kung paanong gawin 'yon, pati sa pag babayad tinuruan nya din ako. Kaya naman hindi ako magiging inosente sa ganitong bagay.
Pinauna nya kong sumakay sa loob. "Kailangan kitang bigya ng service para naman makakapasok ka ng ligtas at makakauwi ka din ng ligtas. Nasaan ang 'yong cellphone?"
Tukoy nya sa pahabang gadget at naiwan ko sa bahay 'yon. "Naiwan ko, Ina."
"Dapat lagi mong dala 'yon. Marunong ka naman na gumamit diba?"
"Opo Ina. Magaling ka kasi mag turo."
"Napaka bolera mo." Ngumiti ako sa kanya.
Nang huminto ang sasakyan namin sa isang mataas at malaking gate ay napanganga ako. Mataas din ito at hindi ito tulad ng nakikita ko. Kakaiba, maganda ang pag gawa sa gate nito. Naunang bumaba ang ina bago ako. Maraming taong lumalabas at pumapasok, suot nila ang dilaw na uniporme. Mga nakangiti sila at tumatawa habang may hawak hawak nila ang kamay ng mga kaibigan nila.
Ingles ang kanilang salitang binibigkas. "Mama, shall we?" pagsasanay ko.
"Verygood, daugther. Wag kang mag sasalita ng malalim na tagalog ah pag may kausap ka. Ako lang dapat." mabilis akong tumango saking ina.
Hawak hawak ko ang kanyang braso habang nag lalakad kami papasok sa malaking gate. Pansin ko din na maraming napapatingin sakin ang kababaihan at kalalakihan. Hindi ko naman maiwasan yumuko dahil sa hiya. "Anak, taas mo ang ulo mo."
Ginawa ko naman ang sinabi ni Ina at nag simula na muli kaming mag lakad. Hindi ko maiwasan mapangiti sa sobrang ganda ng lugar na 'to. "What do you think?" ingles na tanong ni ina sakin.
"So big and beautiful." sagot ko sa kanya at napangiti sya.
"Mabuti nalang mabilis kang matuto." sabi nya.
"Mana ako sa ina ko."
Pumunta kami sa isang bahay pero ang sabi ni ina ay opisina daw yun ay nandon ang pinakamataas na tao dito sa loob ng paaralan. Sumama ako sa kanyang pumasok don, mabilis kong pinasadahan ang buong paligid hanggang mahinto ang mata ko sa mga lalakeng maiingay at may isang babae din silang kasama.
Napatingin sakin ang isang lalake at umawang ang labi. "Come here, Sena."
Mabilis akong hinila ni Ina papasok sa loob ng isang salamin na pinto. Sa pag pasok namin don ay may isang babaeng matanda na at may hawak na papel.
"Sena Rodriguez?"
"Ako po iyon." magalang na sabi ko.
"Such a beautiful girl." hindi ko maiwasan mahiya dahil sa papuring sinabi nya. "How old are you?"
"I'm nineteen years old." sagot ko agad.
"But you look sixteen. Napakakinis."
"Hindi pa nasusugatan ang anak ko at hindi pa din yan nakakagat ng lamok." natawa ang matanda sa sinabi ni Ina.
"You're joking right?"
"Hindi nag bibiro---I mean my mother was not joking. I never had wounds in my life and never bite of insects." nanlaki ang mata nya. "Nakulong po ako ng nine teen years."
"W-WHAT?!" nagulat ako sa kanyang pagsigaw. "You've got kidding me!"
"I'm not!"
"Kinulong ko sa kanya sa kwarto nya dahil sa takot kong makuha sya, Ate Lei." tumingin ang matanda sa Ina ko.
Bumitaw ako kay Ina at lumabas doon. Sa paglabas ko ay nandon parin ang apat na lalake kasama nag isang babae. Pero hindi ko sila pinansin, dahan dahan akong lumabas sa opisina na 'yon.
Sagad ang ngiti ko ng dumapo saking balat ang araw. Masarap sa pakiramdam pero nakikita kong namumula ang aking balat.
"Are you transferee?" tanong ng isang lalakeng di ko kilala.
Ang sabi ni Ina ayos lang daw makipag kaibigan sa babae pero sa lalake daw ay hindi masyado maayos. Baka daw lokohin ako at saktan, kaya kailagan kong umiwas.
Mabilis akong tumalikod sa kanya at tumakbo palayo. Alam ko naman kung paano pabalik don. Palakad lakad ako habang tumitingin sa buong paligid. Siguradong magagalit ang ina sa ginawa ko.
Napahinto ako ng makita ko ang isang katabaang babae na nag wawalis habang nag kakalat ang mga babae sa paligid nya. Pinagtatawanan nila ito dahil don. Sabi ni Ina, masama daw mang away at makipag away. Masama daw manghusga at mag pahirap ng tao. Edi masama ang mga 'yon?
Nag lakad ako papunta don at napahinto sila sa pagtawa. Tumingin sakin ang babaeng nag wawalis at mukang nagulat sa di ko malaman na dahilan. "Are you okay?" tanong ko dito sa wika na ingles.
"Y-Yes."
"I will help you if you want."
"N-No need. I can handle this."
Pinanood ko sya sa mga ginagawa nya hanggang sa kumulog. Sunod non ang pagbuhos ng ulan sa di ko maintindihan. May araw pero umuulan? Tinaas ko ang kamay ko at muka ko para salubungin ang ulan. Sabi ni Ina masama daw mag paulan pero ang sarap naman sa pakiramdam.
Nakita kong biglang nabuwal ang babae at agad ko sya tinulungan.
"Ikaw ba ay may sakit?" tanong ko sa wikang tagalog. "Dapat ikaw ay hindi nagpapaulan."
"A-Ayos lang ako. Bago ka ba dito?" tumango ako sa kanya. "Ang ganda ganda mo, pero wag ka sana mag paul---"
"Hindi kita pwedeng iwan dito na ganyan ang iyong kalagayan."
"What's your name?" tanong nya sa wikang ingles.
"Sena, ako si Sena."
"So beautiful innocent." bulong nya. "And i know you're in danger." sabay tingin nya sa gilid at pati ako ay napatingin. Nakita ko ang apat na lalake kanina sa opisina na nakatingin sila dito. "W-Wag kang lalapit sa kanila, m-masasama sila."
Tumingin ako sa kanya dahil sa hirap na hirap nyang boses. "SAI! OH MY GOD!" Napatingin kami sa babaeng sumigaw at sabay non pagbuwal namin pareho sa sahig.
Nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam sa braso ko at nakita kong mapula 'yon. Bigla akong kinabahan at naiyak ako dahil sa masakit na pakiramdam.
"SENA!"
"M-Mama!" sigaw ko.
Mabilis itong tumakbo papunta sakin at tinignan ang braso ko. "Ms. Rodrigues." Pumunta din sa amin ang babaeng matanda kanina sa opisina at may dala silang payong. Tinignan nang aking ina nag braso kong may sugat.
"Ina, di ko sinasad---"
"Maraming salamat sa pag tulong sa alaga ko." napatingin kami sa babaeng naka puting uniporme na nakikita namin sa palabas o tinatawag na nurse.
"Mama." mahinang tawag ko.
"I'm so proud of you, Sena."
Mabilis kong niyakap sa gitna ng ulan sabay halik saking noo.
~