Isang malamig na tumama sa muka ko at mabilis akong napadilat. Hindi ko maiwasan umubo ng umubo, ramdam ko ang mahigpit na tali saking bibig, paa at ang dalawang kamay ko sa likod. Nanlalabo ang aking paningin pero may isang ilaw na nag tatanging liwanag na nag mumula sa taas. Nakakarinig ako ng ibang boses na lalong nag papakaba sakin. Malabo ang nakikita ko kaya pinikit ko ang mata ko ng mariin. "Matutulog ka nanaman ba?!" "Hmmm...." Isang malakas na sampal ang lumapat saking pisnge. Pilit akong kumakawala dahil dahil sa sakit ng pag kakatali sakin. Dahan dahan kong muli dinilat ang mata ko at nakita ko si Ryza na nakangisi sakin at... unti unti akong napaluha ng makita ko si Renz na nasa likod nito habang nakatitig sakin. Hindi ko na naramdaman ang sakit ng pag kakatali sakin, iba