"So, Si Ryza talaga ang may kasalanan dito?" "Ako ang may kasalanan. Ako kasi tanga." pag amin ko kay Rhaine. Tumingin kami kay Sai na tahimik lang na kinakain ang Yema cupcake na nakahanda. Inayos ko ang aking buhok at nilagay ko sa gilid ko. Ngayon lang kami ulit nakapag usap usap na sama sama para pag usapan ang totoong nang yare. "Alam naman namin lahat 'yon." napairap ako kay Rhaine. "But seriously? Alam mo bang sikat na model ngayon ang babaeng 'yan? Akala mo naman maganda! Plastic sugery lang naman ang muka!" Natawa ako ng mahina dahil don. Kahit si Sai ay tahimik na natawa dahil don. "Asan ba ang anak mo?" Rhaine asked. "Na kay Simon. Sinama nya sa trabaho n'ya." sagot ko. "At alam kong maya maya lang ay tatawag sakin 'yon upang sabihin na nag wawala na si Snow dahil sa so