ARYAN Matapos kong makausap si Draven ay tinawagan ko agad si Jerry at pinapunta dito sa library. I know it's already late hours, pero dahil wala na akong maraming oras, kaya kailangan kong magmadali. After ten minutes, narinig kong may kumatok mula sa labas ng pintuan. Hindi nagtagal ay pumasok si Jerry. Hindi maikakaila na bagong gising ang tauhan ko dahil malamlam pa ang kanyang mga mata pero dahil tinawagan ko ay hindi siya nagdalawang-isip na puntahan ako dito sa library. “Good morning, boss,” magalang at pormal ang ekspresyon na bati sa akin ni Jerry. “Kumusta si Casper at si Tom?” agad na tanong ko sa kanya dahil parehong nabaril ang dalawang iyon kahapon habang kasama ang asawa ko papunta sanang hospital para dalawin ang father-in-law ko. “Okay na si Tom, boss. Daplis lang ang