PRECY Pakiramdam ko ay tila sasabog ang dibdib ko habang dahan-dahang humahakbang si Aryan palapit sa akin. Napakalakas at mabilis ang tîbok ng puso ko, dahilan kaya nahihirapan akong huminga sa mga oras na ito. “I know that you hate me so much, kaya ka tumakas at basta mo na lang ako iniwan noon, tapos ngayong nahanap na kita ay nagsinungaling ka agad sa akin na may asawa ka na para tigilan na kita but I'm telling you, hindi ko gagawin 'yan, Precy,” mahina, pero matigas na sabi ni Aryan sa akin. Hindi ko alam kung paano nalaman ni Aryan na wala naman talaga akong asawa dahil kami lang naman ang narito sa bahay, pero hindi na ‘yon mahalaga sa akin ngayon. Nakakabahala kasi ang nakikita kong emosyon sa kanyang mga mata habang nakatingin si Aryan sa akin ng diretso at unti-unting humah