The Soldier And I Book 3 AiTenshi Aug 17, 2020 Part 44: Alien Invasion Report: Samantala ay live na live nating nasasaksihan ang pag tambay umano ng isang unidentified flying object sa atmospera ng mundo sa lokasyong malapit sa ating bansa. Ngayon ay nagimbal na ang buong mundo lalo't napatunayan na ng mga eksperto na ang totoong mayroong buhay sa malayong galaxy at ang hubad na katotohanan ay nasa harap na ng ating mga mata ngayon. Right here! Right now! Yeah yeah! Ayon sa mga scientist, maaaring nandito ang mga bisita para mag scout sa kasalukuyang kalagayan ng mundo base sa standing ng ating teknolohiya, kakayahan at kaunlaran. Para naman sa mga matatanda, naniniwala sila na ito na ang napipintong katapusan ng mundo. Kaya mamatay na tayong lahat bago sumapit ang takdang araw. At