The Soldier And I Book 3 AiTenshi Aug 12, 2020 Habang nasa ganoong pag tawag ako ay biglang nag vibrate ang aking ulo at dito naramdaman kong may parating na panganib. "Umalis tayo dito, ngayon na." ang pag yaya ko kay Ed "Saan naman tayo pupunta? Delikado sa labas." "Sa malayo dito, may isang malaking paparating!" ang sagot ko at habang nasa ganoong posisyon kami ay biglang yumanig at kasabay nito ang isang malakas na liwanag na palapit sa amin. Noong humarap ako ay binalot ng kulay puting liwanag ang aking katawan at kasabay noon ang isang malakas na pag sabog.. Lumipad ang katawan namin sa ere at tumilapon kami ni Ed sa malayong direksyon.. Part 29: Tatak ng Katapangan ADEL POV "Adel, Adel! Gising! Gumising ka." ang narinig kong boses ni Ed kaya naman marahan kong iminulat