The Soldier And I Book 3 AiTenshi Part 40: Kompetisyon "Stress na stress ako, masakit na masakit ang ulo ko sa pang yayari kagabi. Gusto kong awayin yung asawa ko pero mas minabuti ko nalang na tumahimik para hindi na lumala pa ang sitwasyon." ang wika ko habang nag kakape kami ni Ed. "Kaya nga diba, madalas kong sinasabi sa iyo na bawal pag samahin si Bryan at Agaton sa inuman. Kasi nga iyang asawa mo talaga may personal na galit at selos kay Agaton, alam mo naman iyon diba? At sa daan daan lalaki na nakapalibog sa iyo ay kay Agaton lamang siya na t-threatend. Maybe pareho silang skilled at parehong gwapo." sagot ni Ed. "Hindi lang nagustuhan ni Bryan yung sinabi ni Agaton na parang pino-point out niya sa tao na kaya kong mag isa kahit na wala si Bryan sa aking tabi. Tapos medyo na