Mavis Nhea's P. O. V. Pagpasok ko sa school ay nabawasan na ang pagchi-chismis sa akin. Hindi ko na masyado naririnig ang pangalan ko sa mga estudyante, pero alam ko naman na malamang sa malamang ay napapag-usapan pa rin ako. "Attention! Puro kayo daldalan nang daldalan. Hindi kayo makinig sa akin!" sigaw ng adviser namin. Lahat kami ay umayos ng upo dahil nagalit na naman ito. Madalas kasi ay wala kay Mam ang atensyon ng mga kaklase namin. "Magkakaroon ng camping ang lahat ng graduating student after ng christmas party. Tendency, ma-adjust ang schedule natin ng exam at mapapaaga. This is not mandatory. Hihingi kami ng parent consent sa mga papayagan sa camping na ito dahil may mga physical activities at hindi dito sa school gaganapin kundi sa ibang lugar." Nagsimula ang ingay dahil s