Mavis Nhea's P. O. V. It's been a week, ngayon ay naghihintay kami ng noche buena. Masaya ang mga tao na nagce-celebrate habang ako ay narito sa kwarto ko habang binabalot ko ang regalo na binili ko para kay Mommy, Daddy at Faith. Hindi ako marunong magbalot pero mas maganda kasi kung sisirain nila yung wrapper, mas exciting. Hinanap ko naman ang ribbon na binili ko. Lumakad ako patungo sa vanity mirror ko. Nakita ko ang benda na ginamit ni Ardel sa akin noong nasa camp kami. Napatingin ako sa kamay kong magaling na ang sugat. Dahan-dahan akong napangiti nang maalala ang pag-aalala ni Ardel. Sana lang ay totoo ang nararamdaman niya dahil ayoko umasa. Bumalik na ako sa pagbabalot. Binilhan ko ng isang bag si Mama para sa work. Kay Daddy ay isang jacket since marami siyang jacket. Kay Fai