Mavis Nhea's P. O. V. Hinanap ko si Ardel sa loob ng bahay para tanungin kung anong kulay ang ilalagay ko para sa Cubism naming assignment sa Arts. Ako na naman kasi ang pinagawa niya, wala naman akong magawa kundi ang sumunod, ang mahalaga napapalapit ako sa kaniya. Nilibot ko ang buong bahay pero hindi ko makita si Ardel, hanggang sa tuluyan na akong pumunta kay Manang na nagluluto ng hapunan. "Manang, nakita niyo po ba si Ardel?" tanong ko. "Naku, malamang nasa garden iyon at naninigarilyo na naman. Ganiyan siya kapag wala ang Mommy niya, gabi-gabi maninigarilyo, kahit anong pagbabawal namin sa kaniya, ayaw niya tumigil." "Masama nga po sa kalusugan iyon." "Ayaw ho niya magpapigil, ginagawa niya lahat ng gusto niya at wala siyang pinapakinggan." Tumango ako. Naglakad ako patungo