Mavis Nhea's P. O. V. Nagising ako, napabalikwas ako ng bangon nang maalala ang nangyare. Nakita ko si David na nakaupo sa tabi ko habang may hawak na cold compress na nakadikit sa kaniyang noo. Nakatitig lang ito sa akin. Wala na ang dugo sa kaniyang ilong. "Ayos ka na ba? Hindi ko alam na may phobia ka sa dugo, sana hindi ka na lang lumapit sa akin," aniya. Napayuko ako. Nakakahiya, pagkatapos ko siyang pagsalitaan nandito na naman siya para tulungan ako. "P-Pasensya na, nag-alala lang ako. Napadugo ni Ardel yung ilong mo--" "Don't worry, napadugo ko rin ang ilong niya kaya quits na kami." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Nilibot ko ang paningin ko at nakitang nasa loob kami ng clinic. Wala nang tao at kami na lamang. Palubog na rin ang araw. "N-nasaan sila Ardel?" tanong k