Mavis Nhea's P. O. V. Pagdating ko sa school ay nakasalubong ko si Ardel sa hallway, nakapalupot sa kaniyang braso si Sofia. Napatigil ako sa paglalakad nang makita ang ligaya sa mukha ng dalawa habang naglalakad sila. Hindi man lang nila ako nakita kaya napayuko na lamang ako at hinayaan na daanan na lamang nila ako. "Mavis, nandito ka na pala." Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si David na nakasakbit pa ang bagpack sa kaniyang likod. Nakangiti ito sa akin at hawak ang kaniyang cellphone. "D-David." "Hindi ka nagre-reply," aniya. Na-realize ko namang hindi ko man lang nagalaw ang cellphone ko mula ng paggising ko at malamang nasa tabi iyon ng unan ko at hindi ko man lang nadala. "H-Hala, naiwan ko sa kama yung cellphone," ani ko. "That's fine, how are you? Napagod ka ba kaga