Mavis Nhea's P. O. V. Napayuko ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. "M-Mom... I'm sorry," bulong ko. Hinawakan ni Mommy ng mahigpit ang kamay ko, napaangat ako ng tingin sa kaniya. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mukha nila. "K-Kasi ganito ako, kaya nahihirapan kayo sa akin." "Anak, stop saying that. We love you and tama lang na ipakita mo kung ano ka, hindi ka dapat maging conscious para sa iba. You can't please the world but you can please yourself." Nang sabihin iyon ni Daddy ay ngumiti ako. Tama siya, mahalin ko lang ang sarili ko, kahit mahirap. Dahil pakiramdam ko lahat ng tungkol sa akin ay mali maski na ang mga ginagawa ko. "Ayoko po mag-transfer ng school. Gusto ko po harapin lahat. Hanggang sa matanggap ko," ani ko. Ngumiti si Mommy at Daddy sa akin.