Friday Night "Apple napagod ka ba? Diba madali lang?" Lantang lanta ang katawan ni Apple Joy pagkatapos nilang mag excersice ni Mae. Kakalabas lang nila ng Gym "Ang sakit ng katawan ko Mae.. Ganon pala ang exercise!" Napanguso siya dahil pagod na pagod siya "Sa simula lang yan Best friend... Pag tumagal na sisiw nalang sayo ang pag exercise" "Kain tayo Mae.. Gutom na gutom nako" "Sige pero sabi mo Diet kana" "Haaaays. Sige Healthy foods nalang basta mabusog lang ako" "Oh my God! Si.. Si Mr Pogi ba yun??" Napalingon si Apple Joy sa tinuro ni Mae. Nasa loob kasi sila ng Mall kakalabas lang nila ng Gym. Nanlaki ang mata niya at bumilis ang t***k ng puso niya ng makita niya si Trevor at Gavin. Nag uusap ang mga ito habang nag lalakad sa Mall. "Tago tayo!" Hinila na niya si Mae pe