Simple ngunit punong puno ng pag ibig ang naging kasal ni Carol at Gavin. Mga piling tao lang ang invited. Ngunit naka Live ito sa Radio station ng ABS CBD. "Ang ganda ni Carol no?" nakangiti si Apple habang nakatingin kay Carol at Gavin habang sumasayaw ito ng napakasweet. Napangiti lang si Trevor sa kanyang sinabi. Katabi niya ito sa Table kung saan ginaganap ang Reception ng Kasal. "Mas maganda ka.." Napa-irap nalang si Apple kay Trevor dahil bumabanat nanaman ito. Hindi niya maiwasan mangarap na balang araw makakapag suot din siya ng Wedding gown katulad ng isang prinsesang nakikipag sayaw sa kanyang prinsepe sa araw ng kasal.. Hay nako apple Lasing ka na ata? Nangangarap ka ng gising eh Nakatingin lang lahat ng tao kay Gavin at Carol habang sumasayaw ang mga ito ng magkayakap.