Chapter 36 "Anak anong ginagawa mo dito? Nagulat naman kami ng daddy mo sayo" Niyakap ni Apple ang kanyang mommy. Pumunta siya ng New york kung saan nandoon ang mga ito. She wanted to escape.. She wanted to be loss... Gusto niyang layuan ang taong palagi nalang siya sinasaktan. Bakit ba hindi nalang Hide and seek ang naging title ng love story nila? Palagi nalang niyang pinagtataguan ito. "Mom!" umiyak siya sa kanyang mommy. Binuhat ng daddy niya ang kanyang maleta at inakyat sa taas. Napansin niyang nangayayat ang Mommy at Daddy niya Maliit lang ang bahay ng mga ito sa America kaya nagtataka siya. Dalawang palapag lamang. At panay puno pa sa labas ng kanilang bahay. Parang probinsya ito sa America. Kadulo-duluhan na ito ng new york. "Shhh Baby girl.. Stop crying" Hinagod hagod