Dapat naging handa na ko sa pagkikita namin ni RoJeck noon palang. Inaasahan ko na magkikita rin kami pero hindi ngayon. Kinagat ko ang sarili kong labi habang nakatingin sa mag-ama. Agad ko naman iniwas nang nilingunan ako ni RoJeck. Kalalabas palang namin sa guidance office. Hindi na papaalisin si Raven dahil aksidente lang talaga ang nangyari at walang may kasalanan. May isang grade 6 student ang pumunta kanina para sabihin ang totoong nangyari. Doon namin nalaman na aksidente nahulog ang bata. Humingi samin ng sorry ang Principal pati ang mag-asawang Perez dahil sa maling pagbintang. "Raven, stop doing bad things to your classmate para hindi ikaw yung pinagbibintang." Seryosong paalala nya sa anak. Tumingin sakin si Raven hanggang sa nilipat nya iyon sa Papa nya. Napasimangot sya ba