"Girl! Nandito ka lang pala." Bungad agad ni Niel. Naka upo ako sa isa sa mga bench dito sa field namin nang dumating sya. Tumingin ako sakanya. "May kailangan ka ipaliwanag sakin." "Ha? Ano ipapaliwanag ko?" Umupo sya sa tabi ko. "Naku, Shan. Wag kang tatago tago ng sikreto kung malalaman ko naman din." Bigla ako kinabahan sa sinabi nya. May nalalaman na ba sya tungkol sa ama ng anak ko? Pero, paano? "Bakit kayo magkasama ni Jeck kahapon? Kayo na ba? huh? Yung totoo shan. Naku!" Interesado nyang tanong. Nakahinga ako ng maluwag sa narinig ko. Yun lang pala. Akala ko... "Pano mo nalaman?" "Nakita ko. Gaga! Ano? Sasabihin mo ba sakin?" Umiwas ako sa tingin nya sakin. "H-hindi ko nga alam kung bakit kami magkasama." "Ano? Di mo alam? Niloloko mo ba ko?" Hindi nya makapaniwala na s