Dinala ako ni Jeck sa isang restaurant. Kaunti lang ang tao dahil nga tanghali palang. Pagkatapos nya ko pa-upuin ay nagpaalam sya na aalis, wala naman sinabi kung saan sya pupunta. Nagtaka ako nang makita ang iilang tao na nakatingin sa bandang likuran ko kaya napatingin na rin ako at doon ko nakita si Jeck na may dalang flower bouquet habang nakangiti. Iniwas ko agad ang tingin ko sakanya. "Please accept this." Umangat ang ulo ko sakanya. Saglit ko lang sya tiningnan dahil nilipat ko agad ang tingin sa hawak nya. Kinuha ko 'yun para tanggapin. Kahit hindi nya sabihin yung 'please, tatanggapin ko naman talaga. "Thank you." Nang mahawak ko na ang bulaklak. Akala ko ay uupo na sya sa harapan ko pero nanatili pa rin sya nakatayo sa tabi ko. Tiningnan ko ulit sya at nakita ang mga mata