"Ihahatid na kita. Sweetie." "Hindi na kailangan kaya ko naman." Iwas ko sakanya. Naglakad ulit ako habang nakasunod sya. Hinintay nya ko makalabas sa huli kong klase para ihatid nya daw ako sa bahay. Di naman kailangan nya gawin yun. "Wag matigas ang ulo. Ihahatid na kita." Pilit nya. Di ko nalang pinansin ang sinabi nya at inagpatuloy ko ang paglalakad ko. "Teka nga lang! Bakit ba ang bilis mong maglakad?" Naramdaman kong hinawakan nya ang kamay ko at pinaharap sakanya. "G-gusto ko na umuwi." Napakunot-noo sya. Ang totoo nyan, kaya mabilis ako maglakad dahil gusto ko makaiwas sa mga tingin ng mga studyante rito samin. Di na ko magtataka kung mapag-usapan nila ulit ako. Ayokong lumala ang sitwasyon to pero pano? Di ko syang magawang iwasan kasi kahit ako.. aaminin ko, nahuhulog