Kasalukuyan akong nakikinig sa prof. namin. Napahikab ako dahil sa antok. Ang boring makinig, kahit nagsisimula palang talaga magdiscuss si prof. Nawala ang antok ko nang makita ko si R-roJeck na nakatayo sa pintuan ng room namin. Lahat ng mga kaklase ko nakatingin sakanya. Akala ko ba hindi sya pumapasok. Eh, a-anong ginagawa nya rito? Wag nyong sabihin na... "Mr. Yoo, why are you late!? Hindi ka na nga pumasok kahapon, tapos magpapa-late ka pa ngayon!" Inis na sabi ni Prof dahil inistorbo nya ang klase. Kaklase ko si R-roJeck sa subject na ito? ag uumpisa na ba ang kamalasan ko ngayon. "Nakatulog ako sa klase namin kaya na-late ako." Tamad nyang sagot. "Umupo ka na Mr. Yoo. Ikaw na bahala kung saan mo gusto umupo." Mahinahon na sabi ni Prof. Akala ko papagalitan sya. Iniwas ko ang