"Ang ganda mo!" bungad sakin ni Niel, nang makalabas ako sa kotse ni Jeck. "Ikaw din bakla, ganda mo." ganti ko, at ngumiti sakanya. "Naku, Naku! Magkaibigan nga tayo, dahil pareho tayong maganda. Pak ganern!" Napatawa nalang ako. "Nasaan ang Asawa mo?" tanong nya sakin. "Asawa?" "Si Jeck, anubayan girl." "Di ko pa sya asawa." "Aysus! Alam ko, kasi boyfriend mo pa lang sya diba? Pero doon din naman ang punta noh." "Ewan ko sayo, bakla." Sabay irap sakanya. "So, nasaan sya?" "Nasa loob sa sasakyan. May kausap pa sa cellphone nya." "Eh, yung anak mo?" "Nasa kapatid ko, nauna na sila pumunta dito." "Ahh... Oh, nandyan na pala yung jowa mo." rinig kong bulong nya kaya napalingon ako sa taong nginungusuan nya ngayon. Napangiti ako nang makita ko si Jeck. "So, let's go. Baka hinah