39 TYPOS AND GRAMMATICAL ERROR AHEAD!! ○○○ACE POV:○○○ Wala akong ibang masabi sa mga narinig ko kay Dexter. Tinawagan ako nito kahapon at gustong makipagkita. Pinagbigyan ko ito dahil kaibigan ko ito pero hindi ibig sabihin nun ay makakaligtas sa akin ang ginawa niya. Kaya naman inalam ko pa kung ano ang dahilan ni Kenneth kaya niya ngayon inusisa ang anumalya nito sa mga nakaraang deal nilang dalawa. Hindi niya uungkatin iyon kung wala siyang malaking dahilan at hindi ko hahayaan na hindi malaman ang dahilan sa bagay na iyon sa kanya. At ngayon ay nagrereklamo sa akin si Dexter at pagsabihan ko daw ang ampon ko. Nagpakawala ako ng buntong hininga bago nagpasyang sagutin lahat ng inirereklamo niya. "Kilala mo ako, Dexter. At alam mo ang mga ugaling pinakaayaw ko. Hindi ako nagbago