44 TYPOS AND GRAMMATICAL ERROR AHEAD!!!! ○○○KENNETH POV:○○○ 6 YEARS LATER: "Daddy, daddy." Napalingon ako sa pagtawag ng magtatatlong taong gulang kong chikiting. Napakabibo nito sa edad na tatlo. Abala ako sa pag-aayos ng mga gamit namin para sa bakasyon naming mag anak. "Yes, honey?" "Mama Kate is waiting outside. Hurry up." Sabay hila sa damit ko. "Samahan mo na muna ang mama Kate mo doon honey. Tatapusin lamang ni daddy ang mga ito." marahang sabi ko dito. Ipinatong ang kamay ko sa ulo nito. Niyuko saka dinampian ng halik sa nuo. "Okay daddy." nakangiti ako habang nakasunod ang tingin dito. "Watch for your step honey." "Ayyay, daddy." Minadali ko na ang lahat. Kinumpleto ang mga gamit namin. Bibihira kasi kaming lumabas para magbakasyon at kasama ang halos pamilya ng Anders